Lunes, Disyembre 28, 2015

New Year's Resolution

1) Magpapayat
- nakakapagod masabihan ng 'mataba'

2) Mag-iipon
- para kapag kailangan ko ng pera, hindi ako mamomroblema

3) Magpapakabait
- para mas mahalin ako ng mga tao sa paligid ko

4) Magsisipag
- para hindi ako pagalitan ni papa

5) Hindi na ako kakain ng bawal
- para gumaling na ako ng lubusan

Christmas Eve

 Bisperas na ng pasko. At alas-otso pa lamang ng gabi ay pumunta na agad akong simbahan para may maupuan. Ang inaabangan naming lahat dito sa probinsya namin sa Mindoro, ang Panuluyan. Sino kaya si Mama Mary? E si Papa Joseph? Iyan ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Nang matapos ang misa, agad lumapit sa akin ang mga kaibigan ko na ngayon ko na lang ulit nakita dahil sa halos dalawang taon kong hindi pag-uwi dito. Ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap nila. Sumakay kami sa 'tricycle' na madalas naminh sinasakyan noon. Walang pinagbago. Gumala kami kung saan-saan at puno kami ng asaran, kulitan, at lambingan.

 Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang 'Christmas Eve' na naranasan ko. Parang ayoko na ulit iwanan ang sariwang hangin ng probinsya. Pero sabi nga, lahat ng bagay... may katapusan.

Wishlist

Lahat tayo umaasa na makakatanggap ng regalo tuwing pasko. Simple man o magarbo, buong puso natin itong pasasalamatan dahil ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagbibigayan.

 Marami sa atin ay gumagawa ng 'wishlist'. Yung iba hindi nila natatanggap lahat ng nakalista dun pero yung iba naman, masuwerteng natatanggap lahat. Pocket WiFi, Malaking teddy bear, at gitara ang nakalagay sa wish list ko. Pocket WiFi na madadala ko kung saan man ako pumunta. Malaking teddy bear na mayayakap ko tuwing gabi. At gitara na mapapatugtog ko tuwing tuliro ako. Ayos lang kahit di ko yan makuha ngayong pasko. Madami pa namang paskong dadating. Tiwala lang.