Lunes, Disyembre 28, 2015

New Year's Resolution

1) Magpapayat
- nakakapagod masabihan ng 'mataba'

2) Mag-iipon
- para kapag kailangan ko ng pera, hindi ako mamomroblema

3) Magpapakabait
- para mas mahalin ako ng mga tao sa paligid ko

4) Magsisipag
- para hindi ako pagalitan ni papa

5) Hindi na ako kakain ng bawal
- para gumaling na ako ng lubusan

Christmas Eve

 Bisperas na ng pasko. At alas-otso pa lamang ng gabi ay pumunta na agad akong simbahan para may maupuan. Ang inaabangan naming lahat dito sa probinsya namin sa Mindoro, ang Panuluyan. Sino kaya si Mama Mary? E si Papa Joseph? Iyan ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Nang matapos ang misa, agad lumapit sa akin ang mga kaibigan ko na ngayon ko na lang ulit nakita dahil sa halos dalawang taon kong hindi pag-uwi dito. Ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap nila. Sumakay kami sa 'tricycle' na madalas naminh sinasakyan noon. Walang pinagbago. Gumala kami kung saan-saan at puno kami ng asaran, kulitan, at lambingan.

 Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang 'Christmas Eve' na naranasan ko. Parang ayoko na ulit iwanan ang sariwang hangin ng probinsya. Pero sabi nga, lahat ng bagay... may katapusan.

Wishlist

Lahat tayo umaasa na makakatanggap ng regalo tuwing pasko. Simple man o magarbo, buong puso natin itong pasasalamatan dahil ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagbibigayan.

 Marami sa atin ay gumagawa ng 'wishlist'. Yung iba hindi nila natatanggap lahat ng nakalista dun pero yung iba naman, masuwerteng natatanggap lahat. Pocket WiFi, Malaking teddy bear, at gitara ang nakalagay sa wish list ko. Pocket WiFi na madadala ko kung saan man ako pumunta. Malaking teddy bear na mayayakap ko tuwing gabi. At gitara na mapapatugtog ko tuwing tuliro ako. Ayos lang kahit di ko yan makuha ngayong pasko. Madami pa namang paskong dadating. Tiwala lang.

Martes, Oktubre 20, 2015

Pantay na Pagtingin sa Kababaihan



 Ang kababaihan ay isang mahinang nilalang kung ituring noon. Sila ay hindi pinag-aaral, hindi binibigyan ng karapatang makapamili ng taong pakakasalan. Sa madaling sabi, hindi nakapagdedesisyon at nakapagpapahayag ng opinyon.

 Maraming taon na din ang nakalipas at napakarami nang napatunayan ng mga kababaihan. Pinatunayan nila na ang kayang gawin ng mga kalalakihan ay kaya ding gawin ng mga kababaihan ngunit kahit ganoon, hindi pa din natin matatakasan ang katotohanang may iilan pa ding mga bansa o pook kung saa'y hindi pa din maayos ang kalagayan ng kababaihan.

 May pag-asa pa kaya na magkaroon ng pagkakapantay-pantay? Walang nakakaalam. Talamak pa din ang iba't ibang pang-aabuso sa mga kababaihan lalo na ang mga mabababa ang kalagayan sa lipunan. Isa lamang ang solusyon sa problemang ito... Ang pagkatuto ng mga kababaihan kung paano ipaglaban ang sarili nilang karapatan. At kung ito'y kanila ng matutunan, makakamtan na ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa lipunan.

Linggo, Oktubre 18, 2015

Iingatan Ka

Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal
Ay ma kamtam

Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya'y tila ba
Walang hanggan

Sana ay di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
Minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
Minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na


Ito ang paborito kong kanta (Iingatan Ka ni Carol Banawa) sapagkat damang-dama ko kung gano kamahal ng anak ang kanyang ina na handa niyang gawin ang lahat para dito. Tulad ng tauhan sa kanta, mahal na mahal ko ang aking ina sapagkat siya ang nagbigay ng aking buhay at siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Alam ko lahat ng kanyang sakripisyo at kahit papiliin pa ako sa kabilang buahy, siya at siya pa din ang nanay na pipiliin ko.

China

Sikat na sikat sa ating bansa ang mga iba't ibang mukha ng mga chinito at chinita. Kilala ang mga mamamayan sa bansamg China sa pagkakaroon ng singkit na mga mata at paggamit ng chopsticks. Isa sa mga pangarap ko ay ang makapunta doon at ang unang tatlong lugar na pupuntahan ko ay ang...

1) Great Wall of China

 Nakakahanga ang lugar na ito. Isang malaking palaisipan sa akin kung paano ito itinayo. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, nais kong lakarin ang uong Great Wall of China kahit gaano kahaba at kahirap pa.


2)  Forbidden City ng Beijing

Forbidden City, Beijing
Nais ko itong marating sapagkat nakakahalina itong tingnan na tila'y inaaya ako nitong pasukin siya at silayan ang kagandahan nito.

3) Li River sa Guilin
Li River
Ipinapakita nito kung gaano kaganda ang kalikasan. Kitang-kita ang kulay berdeng mga puno at napakalinis na ilog. Pakiramdam ko'y makakalanghap ako ng sariwang hangin kapag narating ko ito.


Miyerkules, Setyembre 16, 2015

10 Bagay na Gagawin sa Korea

Ang Korea ay isa sa mga bansang gustong-gusto kong puntahan. Para sa akin ang lugar na ito ay isang paraiso...

1. Pupuntang Jeju Island
2. Kakain ng kimchi.
3. Hahalikan si Lee Minho
4. Sasayaw sa gitna ng kalsada.
5. Kakain ng bibimbap.
6. Bibili ng napakaraming damit.
7. Makikipagdate sa EXO.
8. Aakyatin ang Namsan Tower
9. Pupunta sa Gangnam at sasayaw ng Gangnam Style.
10. Magpapakasal kay Lee Minho

Reyalidad sa Panaginip

Lahat tayo ay nagkakaroon ng panaginip. Mayroong masaya at meron din namang nakakatakot. Ngunit paano kung mayroon kang kakayahang manipulahin ang iyong panaginip? 'Yung tipong ikaw ang magpapatakbo sa lahat ng mga pangyayari. Kaya mong gawin lahat kahit ang pagpapatakbo ng isip ng iba. Sa panaginip na iyon, ikaw ang bida. Ikaw ang masaya. Maganda nga ba ang magiging dulot nito sa'yo? O paasahin mo lamang ang sarili mo sa mga bagay na alam mong hanggang sa panaginip lamang? Ang aking paboritong maikling kwento ay ang LUCID DREAM ni Alyloony. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang si Angelique na kayang kontrolin ang kanyang mga panaginip. Napakaganda ng kwentong ito dahil mapapaisip ka talaga sa bawat yugto ng kwento. Habang ito ay aking binabasa, pakiramdam ko ay nandoon din ako sa loob ng kwento. Habang si Angelique ay nasa kanyang panaginip, may isang lalaki doon na hindi naman binuo ng kanyang imahinasyon at hindi tulad ng mga ibang tao sa kanyang panaginip, hindi niya kayang kontrolin ang lalaking ito. Ito ay si Caleb na naglalakbay sa iba't ibang panaginip. Noong una ay nais na paalisin ni Angelique si Caleb sa kanyang panaginip sapagkat nanggugulo lamang ito doon ngunit sa huli'y naging mabuti silang magkaibigan. Habang tumatagal, ang mga pangyayari sa panaginip ni Angelique ay nagiging reyalidad. Napakasaya talaga ng daloy ng kwento. Interesadong-interesado ako sa bawat pangyayari. Ang naging wakas nito ay isang palaisipan at talagang nakakabitin ngunit ganun pa man, ito pa din ang pinakamagandang maikling kwentong nabasa ko. Sapagkat sa simpleng panaginip lamang, nagbago na ang lahat. Ang ating panaginip ay mayroong kahulugan. Magmula ng mabasa ko ang kwentong ito, para bang nais ko din magkaroon ng kakayahang manipulahin ang panaginip ko. Na kahit sa panaginip man lang ay maging malaya at masaya ako. Ngunit napag-isip isip ko na bakit pa ako aasa sa panaginip kung pwede ko naman itong gawing REYALIDAD.

Sabado at Linggo

Ala-sais ng umaga, ako'y medyo inaantok pa. Nakakatamad pang bumangon ngunit kailangan ko ng simulan ang gawaing bahay na nakaatas sa akin. Agad akong tumayo sa aking kama, naghilamos at uminom ng dalawang basong tubig. Habang nakasalang pa ang aking sinaing, ako muna'y nagwalis ng kalahating parte lamang ng aming bahay sapagkat mahimbing pang natutulog ang aking magulang at mga kapatid. Pagkatapos kong magwalis, inihanda ko na ang mga kasangkapan ng ulam na aking lulutuin at sinimulan ng magluto. Habang ako ay nagluluto, lumapit sa akin ang pupungas-pungas ko pang kapatid at nagpatimpla ng gatas. Nang matapos akong magluto, agad ko ng inihanda ang pagkain sa hapag-kainan at saktong gising naman ng aking mga magulang. Pinauna ko munang kumain ang aking ina at ako muna ang nag-alaga sa siyam na buwang gulang kong nakababatang kapatid. Nang matapos ang aking ina sa pagkain, ako na lamang ang natira sa mesa at mag-isang kumain. Pagkatapos kong kumain, agad kong hinugasan ang aming mga pinagkainan sapagkat maglalaba pa ako. Halos tatlong oras akong natapos sa paglalaba ng mga damit. Pinanlinis ko sa aming banyo ang ang pinagbanlawan ng mga damit at dumeretso na sa pagligo. Dahil alas-onse na ng umaga, ako'y nagsaing na muli at naghanda ng mga kasangkapan. Ganap na alas-dose ng tanghali ng ihanda ko ang pagkain sa mesa at tulad ng nakasanayan, pauunahin ko uling kumain ang aking ina. Nang matapos kong hugasan ang aming pinagkainan, ako'y pumunta na sa aking kwarto upang gawin ang aking takdang-aralin. Tiningnan ko ang aking telepono at laking-gulat ko sa mensahe ng aking kagrupo na may pagsasanay pala kami para sa aming presentasyon sa MAPEH. Alas-tres na ako ng hapon ng makarating sa labas ng paaralan na ginanapan ng aming pagsasanay. May kasamang kwentuhan at kulitan ang aming pagsasanay. Umuwi ako ng alas-kwatro sa aming bahay at naabutan ko ang aking pinsan at tiyahin na mayroong dalang meryenda na sabay-sabay naming pinagsaluhan. Ala-sais na ng hapon ng ako'y magsaing at magluto. Ganap na ala-syete ng ako'y matapos. Hindi gusto ng aking ama ang ulam kaya kahit umuulan at malapit na mag-alas-otso, nag-boluntaryo na lamang akong bumili ng manok sa Pagrai. Napakalamig sa daan at napakadulas pa kaya dinahan-dahan ko lang talaga ang paglalakad dahil ayokong madulas. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng makasalubong ko ang kaklase kong si Victoria Medina at agad ko siyang niyakap dahil sa tinding lamig na aking nadadama. Nag-usap kami ng kaunti at dumeretso na ulit sa paglalakad. Nasa gilid ako ng daan at takot pang tumawid. Naghihintay ako ng taong tatawid, at pasimpleng sasabay nalang dito. Mahigit sampung minuto na ngunit di pa din ako nakakatawid. Mayroong lalaking nakapayong na nasa edad ko ang patawid ng kalsada kaya kahit nahihiya kinausap ko siya at sinabing sasabay ako sa kaniyang tumawid. Nagpasalamat ako at bumili na sa Andok's. Nang pauwi na ako, lalo pang lumakas ang ulan kaya nakarating ako sa bahay na basang-basa. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng plato, sa wakas ako'y nakatulog na at nakapagpahinga. Ang araw ng Linggo ay hindi nalalayo sa araw ng Sabado. Pagkagising ay nagsaing, nagluto, at naglinis lamang ako. Noong araw na iyo'y nakapahinga ako sapagkat tapos ko na ang ibang mga gawain kahapon. Pagkatapos mag-agahan at mananghalian, ako'y nagkulong na lamang sa kwarto at nagbasa ng mga istorya sa Wattpad. Sobra talaga akong naaaliw dito. Ito'y magandang pampalipas oras. Medyo sumasakit na ang aking mata kaya napagdesisyunan kong matulog nalang muna. Alas-sais na nang ako ay magising kaya agad akong nagsaing at nagluto. Nauna na kaming kumain sapagkat alas-dyes pa ng gabi ang uwi ng aking ama galing sa trabaho. Hinintay ko lamang umuwi ang aking ama para ipaghanda siya ng pagkain bago ako pumunta ng aking kwarto. Ganap na alas-onse ng ako'y magdesisyong matulog. Simula na naman ng klase bukas.

Magpakailanman

Lahat ng tao sa mundong ito ay nagnanais na magkaroon ng tunay na kaibigan. Kaibigang magiging parte ng ating buhay. Kaibigang mayroong napakalaking marka sa ating mga puso. At kaibigang hindi ka iiwanan magpakailanman. Kaibigan. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang ito? Para sa akin, ang kaibigan ay parang unan na pwede mong yakapin kapag masayang-masaya ka at pwede mong iyakan kapag malungkot ka. Mayroong iba't ibang katangian ang aking mga kaibigan. Isa na dito ay mapagkakatiwalaan. Napakahalaga ng katangiang ito dahil alam naman nating may mga bagay na hindi natin masabi sa ating pamilya. Alam kong ligtas sa kanila ang aking mga sikreto. Hinding-hindi nila ito ipagsasabi kahit na ano pa ang mangyari. Ang isa pang katangian ng kaibigan ay maaalalahanin. Asahan mong sila ang unang taong babati sa'yo sa iyong kaarawan. Hinding-hindi din sila mawawala sa mga importanteng okasyon at pangyayari sa iyong buhay. Ang kaibigan ay maaasahan, nandiyan lamang sila palagi para sa akin at sasamahan ako hindi lang puro sa saya kundi pati din sa lahat ng mga problemang kahaharapin ko. Sila 'yung mga taong pipilitin akong pangitiin kapag malungkot ako na kahit magmukha pa silang katawa-tawa sa harap ng madaming tao ay ayos lamang. Napakakomportable sa pakiramdam kapag kasama natin ang ating mga kaibigan. 'Yung tipong hindi kayo maubusan ng kwento at minsan pa nga ay pinagtatawanan niyo pa ang mga napakaliliit na bagay. Kapag kasama ko ang aking mga kaibigan pakiramdam ko'y may sarili kaming mga mundo at sa simpleng tinginan lamang, kami na ay nagkakaintindihan. Ang sarap sa pakiramdam kapag kasama ko sila. Nagiging totoo ako sa aking sarili at hindi ko kailangang itago ang tunay na ako. Kapag kasama ko sila, parang panandaliang nawawala ang lahat ng aking mga problema. Ang isang kaibigan ay matapat na sasabihin sa iyo ang iyong mga kamalian hindi para saktan ka kundi para maitama mo iyon. Ang mga payo nila ay para din sa iyong ikabubuti at sariling kapakanan. Ipagtatanggol ka nila sa mga taong nanakit sa'yo sapagkat ayaw na ayaw nilang makita kang inaagrabyado ng iba. At ang pinakaimportantemg kaibigan ay ang kaibigang tanggap ka kung sino ka at anong meron ka. Hindi naghahangad ng kapalit sa mga bagay na naitulong nila sa iyo. Kahit ano pa ang estado ko sa buhay, alam kong tatanggapin nila ako sapagkat sila ay aking kaibigan. Tulad ng ating ina, sila'y nandiyan para tayo'y alagaan, ama na handa tayong gabayan at para din natin silang kapatid na masasandalan sa oras ng ating pangangailangan. Kapag ang iyong kaibigan ay may mga ganitong katangian, asahan mong hinding-hindi ka nila iiwanan magpakailanman. Napakasuwerte ko't mayroon akong mga kaibigang hindi man perpekto ngunit alam kong mahal ako ng buong puso. Hindi din maiiwasang magkaroon ng mga hindi pagkakainitindihan at nauuwi sa tampuhan ngunit ganun pa man, sa huli ay hindi pa din matitiis ang isa't isa dahil parang hindi kompleto ang araw natin kung wala sila. Dapat lamang nating pahalagahan ang ating mga kaibigan tulad ng pagpapahalagang ipinapakita nila sa atin. Hindi lang sila ang nararapat na magkaroon ng ganitong mga katangian, marapat lamang na iparamdam din natin sa kanila iyon. Mahal na mahal ko ang aking mga kaibigan. Para na ding pamilya ang turing ko sa kanila. Handa akong magsakripisyo para lamang sa kanila at gagawin ko ang lahat upang maramdaman nila kung gaano sila kahalaga sa akin. Kapag tayo'y may kaibigan, hinding-hindi nating mararamdamang tayo'y nag-iisa sapagkat alam nating may taong nandiyan lamang at hindi tayo iiwanan magpakailanman.